Omar Baliw Lyrics
"2022"

/ 5
0 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
1.
bagong kalendaryo sa pader idinikit
ang bilis ng pangyayari, talagang iginiit
parang kelan lang sinabi na akin itong taon
ngayon ay andito na, hindi lang to nagkataon

ibat ibang lugar napuntahan, kinantahan
kabilaan na picturan, lahat yun tinandaan
minsan ay pagod sa byahe, masakit na katawan
pero pag sumalang, dapat palaging isang daan

lahat nang to'y pangarap, ngayong taon naganap
salamat sa mga nakasama ko na naghanap
mga hindi bumitaw, patuloy na nakinig
kaya ngayon malago, patunay na nagdilig

abot kamay lahat buti na lang ay gumalaw
kaya sabi ko wala sa pipilian: umayaw
ngayon lahat sumayaw at sa akin sumabay
hayaan ang tunog ko sa inyo ang gumabay

2.
patuloy na pasasalamat palagi sa itaas
narinig yun panalangin kahit 'di na ilakas
masayang mga anak, wala na ngang mahihiling
kahit na anong ituro, akin yang mabibili

buti na lang talaga ngayon nakaluwag-luwag
di aabot dito talaga kung paduwag-duwag
yung akalang imposible, hindi pla totoo
simula pa lang lahat, alam mong di pa todo to

masyadong mabait sa panahon ngayon, di pwede
kung gusto mong tiwala, ang sagot ko dyan depende
naloko na kaya ngayong taon natuto na
mahalaga lang talaga ay yung natuto ka

walang pinagsisihan, lahat yan sa akin aral
ginawan ng paraan, hindi ko na inangal
pasensya pahabain, dapat laging nababanat
kukuhaen para saken, yun ang nararapat