Juan Caoile feat. Kyleswish and Gregory Neil Lyrics
"Morena"

4.0 / 5
1 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Tagal kong hinanap ang tulad mo
Ikaw ang papawi sa uhaw ko
Ikaw lang nag-marka sa mga nagdaan
At lahat ng iba ay burado
Tumingin ka sa mga mata ko
Ng malaman kung anong totoo
Hindi mo man kasing puti ang ulap
Ngunit ang isla na 'to ay kasing ganda mo

Ramdam ko ang init kahit 'di ka naka bikini
Tunaw na ako hindi ka pa man tumititig
Nakakapipe walang sinabi sa 'yo
Ibang babae kahit na simple ka lang binibini
Bigyan mo sana ko ng pagkakataon
Na tayo'y magpainit sa harap ng bonfire
Pagmasdan natin ang langit whole night
Habang nakikinig ng music na lo-fi

Nasa puso't isip
Pati sa panaginip
At itong awitin ay ang aking pag-amin
Sa binibining marikit
Sa kutis mong kayumanggi
At matamis mong mga ngiti
Ako ay nabighani

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw sa kanila gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena

'Pag nasilayan talagang hahangaan
Tila ba si Gloria Diaz nung kanyang kabataan
Matalinong mabait at merong pinaglalaban
Kaya 'di lang panglabas ang kanyang kagandahan
Tanong bakit pa ba ako lalayo
Kung lahat ng hinahanap mahahanap na sa'yo
Bibihirang makakita ng isang pilipinang
May taglay ng iyong katangiang pambihira
'Di ko maitatanggi ika'y natatangi ('di ko)
Iba ang dating ng gandang kayumanggi (kayumanggi)
Pagmalaki ang kulay ng iyong balat
'Pagkat sa gandang mong angkin giliw
Daig silang lahat (daig silang lahat)

Nasa puso't isip (nasa puso't isip)
Pati sa panaginip
At itong awitin ay ang aking pag amin
Sa binibining marikit
Sa kutis mong kayumanggi
At matamis mong mga ngiti
Ako'y nabighani

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw sa kanila gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina oh
Gandang morena

Mainit na panahon
Dagdagan mo pa ng ganda mo
Talagang mapapalingon lahat ng mga ginoo
Morena (morena)
Kutis ng balat ay pambihira (pambihira)
Ibang-iba ka sa lahat

Sa 'yong katangiang masarap na tignan
Salamat kay bathala
Sa napakagandang likha nya
Kutis ng balat ay perpekto
'Di na kailangan ng iba't ibang effect 'to
Isang ngiti mo lamang ay sakto na
Sa puso ko walang halong panloloko

Gustong kong ipagmalaki ka
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Kaya 'wag mo nang ikahiya
'Yong nakatagong ganda
Na parang yamashita

Gustong kong ipagmalaki ka
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Kaya 'wag mo nang ikahiya
'Yong nakatagong ganda
Na parang yamashita

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw sa kanila gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw walang iba gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena