Joshua Feliciano Lyrics
"Handa Na Akong Kalimutan Ka"

/ 5
0 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Lumayag ka na papalayo patungo sa ibang mundo
Baka do'n mo na mahanap ang ngiti na hinahanap ko sa'yo

Bitawan ang mga naipong alaala sa bawat araw na hindi ka na kasama
Ang oras ay tumatakbo minu-minutong kinukulong ang mga puso
Kung di mo rin naman kayang panindigan mga pangako mong sa akin binitawan
Maaari ka nang lumisan kahit hindi ka na magpaalam

Handa na kong kalimutan ka wala na rin naman akong magagawa
Lumayag ka na papalayo patungo sa ibang mundo
Baka do'n mo na mahanap ang ngiti na hinahanap ko sa'yo

Lahat ng 'yong halik at mga yakap na mahihigpit
Dala-dala na lang hanggang sa aking panaginip
Hindi na tayo itinadhana at ngayon wala ka na

Handa na kong kalimutan ka wala na rin naman akong magagawa
Lumayag ka na papalayo patungo sa ibang mundo
Baka do'n mo na mahanap ang ngiti na hinahanap ko sa'yo

Ang 'yong mga ngiti galing sa iyong labi di na mananatili kahit pa
Sa huli nating sandali at pagsapit ng umaga ang tanging alaala ko na lang