Joshua Feliciano Lyrics
"España"

4.5 / 5
2 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Salubong ng umaga
Na walang inaalala
Kundi ang 'yong presensya
At ang mga yakap mong pampakalma

Patunugin ang telepono
Gisingin mo na ako
At lalapit sa 'king mundo
Oh lalapit sa 'yo

At sasapit na ang alas-dos y medya
Muling maghaharap ang mga mata

Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nasisilayan ng mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nadarama ng ating kaluluwa
Mahal malapit na 'ko, malapit na
Saglit na lang España na

Mahihintay mo ba ako
Medyo trapik lang pero
Onting tiis na lang ang layo
Papalapit, palapit sa 'yo

Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nasisilayan ng mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nadarama ng ating kaluluwa
Mahal malapit na 'ko, malapit na
Saglit na lang España na

Kahit wala man akong madatnan
Oh sa tagpuang napag-usapan
'Di na kita mahahagkan

Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nasisilayan ng mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nadarama ng ating kaluluwa

Salubungin natin ang umaga na
Nananatili sa iyong pagkawala
Salubungin natin ang umaga na
'Di na muling masisilayan pa
Mahal nandito na 'ko, nandito na
España na, nandito na
Nandito at España na