Jona Lyrics
"Ano? Bakit? Paano?"

/ 5
0 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Naitanong mo na ba sa iyong sarili
Kung sino ka na ngayon
Nasumpungan mo na bang alamin kung bakit
Nandito ka't pumipintig ang puso

Napupuna mo na ba na nakapagtatakang
Minsa'y sadyang napakahirap
Naranasan mo na bang magtanong maghanap
Kung bakit ano'ng dahilan ng lahat ng ito

Ano bakit paano kailan saan at gaano
Kung di pa batid ng isip mo
Panahon ang magsasabi sa'yo
Kung ano bakit paano

Nais mo bang mabatid manalangin at maunawaan
Ang gumugulong balakid
Makikita mo't darating ang mga kasagutan

Sa ano bakit paano kailan saan at gaano
Kung di pa batid ng isip mo
Panahon ang magsasabi sa'yo
Kung ano bakit

Asahang may liwanag sa dilim
Bawat pintig ng puso ay damhin

Ano bakit paano kailan saan at gaano
Kung di pa batid ng isip mo
Panahon ang magsasabi sa'yo
Kung ano bakit paano

Ano bakit paano