Jayann Lyrics
"Hindi Na Lang Sana"

4.5 / 5
2 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Hindi na lang sana sinimulan
Kung di mo rin dudugtungan
Nasayang lang ang oras natin,
Hindi nalang sana binigyang pansin
Ang alanganin at magulong motibong
Pinapakita sakin

Wala ka man lang sinabi o kahit anong pasakalye
Iniwan mong nalulunod
Ang isip kong puno ng tanong

Hindi ko na sana pinanghawakan ang
Mga sinabi mo
Hindi ko na sana kinwento ang nakaraan kong Uulitin mo
Bakit pa ba hinayaan na hawakan
Mo ang kamay ko
Kung walang pasabi mo naman palang
Bibitawan 'to

Hindi ko nalang pala dapat inamin
Sana binulong ko nalang sa hangin
Dapat nagtira ako ng para sakin
'Di yung unti unti mo akong uubusin
Hindi mo na sana ako pinaasa
Nasasaktan ako, nakikita mo ba?
Ba't ba ako inakyat ng pagkataas-taas
Ang bagsak ko tuloy sayo'y napalakas

Wala ka man lang sinabi o kahit anong pasakalye
Iniwan mong nalulunod
Ang isip kong puno ng tanong

Hindi ko na sana pinanghawakan ang
Mga sinabi mo
Hindi ko na sana kinwento ang nakaraan kong Uulitin mo
Bakit pa ba hinayaan na hawakan
Mo ang kamay ko
Kung walang pasabi mo naman palang
Bibitawan 'to

Hindi na lang sana
Hindi na lang sana
Hindi na lang sana

Hindi ko na muna sana inalam lahat ng gusto mo
Halos lahat tuloy ng nakikita ko'y
Nagpapaalala sa'yo
Bakit ba ang dami mo pang binuong
Plano kasama ako
Kung panandalian lang naman pala ang Hinahanap mo
Pero salamat at sa wakas ay natutunan ko na rin Na hindi titigil ang mundo
Kung mawawala ka sakin