Gloc 9 feat. Honcho Lyrics
"Sa 'Kin 'Yan"

4.0 / 5
1 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng bagong kanta na para bang kailan lang
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng bagong kanta marami pa apir tayo diyan g-code
Goodson pang ilan na ba 'to natumbak mo pare natumbak mo ng mismo

Sino ang polido maging ang anino ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito mga letrang malagkit na parang bagong pustiso
Turo-turuan kung kaninong hagdan ang mas maraming baitang ilan ang hinakbang
Pababa pataas sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona hindi sa'kin 'yan

Dahil ang nais ko lang noon ay makapag sulat ng mga awit kahit na pabalibag
Ang mga tono tinodo ko medyo malibag ang kailangan lunukin 'yan lang ang realidad
Naglalakad ng mag-isa papunta sa opisina dala ang demo baka sakaling maipakita
Ang taglay na kanta'y ilalahad kung luto na kumain ka na ba ng tanghalian hindi pa
Huwag mo kaming tatawagan kaming tatawag sa'yo
Iwanan mo dun sa guwardya sa harapan ang number mo
Diyan ko laging nilalaan ang parte ng sweldo ko sa paglinis ng kusina kung minsan tagasalo
Kalahating sakong bigas isampa mo dun sa truck
Hawakan mo ang itlog baka mabasag sa lubak ibabawas 'yan sa'yo kapag may isang nabiyak
Kahit na 'di sigurado ay merong isang tiyak

Sino ang polido maging ang anino ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan ang mas maraming baitang ilan ang hinakbang
Pababa pataas sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona hindi sa'kin 'yan

Sa madaling salita hindi naging madali lahat ng buo na binayad inipon ko ang sukli
'Pag lahat ay tinatamad ako'y 'di nag-atubili nasipagan upakan hulaan kahit magkamali
Basta subok lang ng subok huwag bilangin kung ilan
Itinaas ko ang kamay hanggang sa matandaan ako ng guro tinuro kung sa'n ang tamang daan
Narating din ang palasyo na tirahan ng ilan hindi nahilig sa mga kinang ng mga alahero
O magagarang gulong na kasing ingay ng bumbero
'Pag mabilis ang takbo agad na pumipreno kaya
Bubungan sa'king ulunan pirma ko ang nasa yero
Kahit na dalawang dekadang mahigit na 'kong paos
At kailan ma'y 'di ako nasindak sa salitang laos
Ako nang magsasabi sa bangka na tapos na kung tapos
Hindi 'yan kasya sa'kin alam kong ang ulo ko'y kapos

Sino ang polido maging ang anino ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan ang mas maraming baitang ilan ang hinakbang
Pababa pataas sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona hindi sa'kin 'yan

Meron lang akong gustong sabihin sa mga dapat na makaalam baka isiping
Kunsintihan 'to at ibahin ang meaning kailangan kong sulitin sulat ko baka silipin
Hoy gumising mag-iba ka na 'wag kang magpapakain
Ng inggit sa katawan ay palayasin pabagahin utak mong kalawangin ay linisin palawakin
Sana mag-iba ka na para isa ating hangarin
At ng magaya ka din sa'kin makasama ka sa awit ni Gloc sa'ming lipad kahit na mabigat
Ang imposible ay posible basta magsipag 'wag kang paawat at gawin dapat ang abilidad
Kasi alam mo na pwede kang mabilang sa mga tanyag
Pero 'wag masilaw pwede kang magkaroon ng hindi mabilang
Na tagahanga nakatapat na sa'yo ang ilaw 'di na kailangan ng korona

Sino ang polido maging ang anino ilaw na laging nakasindi kahit kanino (sino)
Tawagin mo dito hipan mo ang pito mga letrang malagkit na parang bagong pustiso (dito prrt)