Esseca feat. Asiong De Luna Lyrics
"PAHIMAKAS"

4.4 / 5
7 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Mga luha sa aking mata
Sa 'king puso may iniinda (may iniinda pa ba)
Tila sariling mundo'y nilikha
Kung saan doo'y walang naninita (walang naninita)
Tara samahan mo ako sa pagpinta
Tanging ikaw lang ang inimbita oh sinta pwede ba halika na (Ikaw lang inimbita)
Halika na (hmm tara)

Tutuparin ko pa rin ang mga pangako kahit wala ka
Wala nga bang tiyansa onting pag-asa na makasama ako'y umaasa
Na sana iyong dinggin mga pangako na saksi ang bituin
Mga gabing sa'yo lang ang tingin (sa 'yo lang tingin)
Hirap alisin
Hirap alisin ano ba 'yan

Pa'no mo ba ako nalimutan
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong 'di na mauulit
Ako ay ayos na at maaabot ko na
Mga pangarap nating dalawa
Ako na'ng bahala hihiling kay bathala
Kahit na ako na lang ang mag-isa

Hanggang ngayon (Hanggang ngayon)
Hirap pang bumangon (Hirap pang bumangon)
Gawang nandito pa'ng kirot ng kahapon (ang kirot mula kahapon)
Andami-daming pagsisisi kung bakit 'di ka nanatili
At bakit 'di ako ang 'yong napili

Pa'no mo ba (bakit 'di ako)
Ako nalimutan (bakit 'di ako)
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa isang iglap (bakit 'di ako)
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong 'di na mauulit

Ang dami ko pang gustong sabihin
Sana nama'y ito'y makarating na pinaparating ko
Pangarap ko sanang maulit ang ating mga sandali
At ng makatabi ka sa dating gawi't makapagpagabi
Kundi maaaraing ika'y makapiling sa 'king panaginip

Pa'no mo ba (pa'no mo ba)
Ako nalimutan (ako nalimutan)
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa isang iglap (mahirap)
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong 'di na mauulit
Ipilit ko man ating nakaraan
At mga bagay na ating nakasanayan (nakasanayan)
Ay haharapin ang masakit na katotohanan na
Hindi na babalik hindi na babalik hindi na babalik pa