Disktrack Lyrics
"Dito Ka Lang"

5.0 / 5
1 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Ikaw ang palaging nasa paligid pag lumalalim
Ang pag tulog pagkatahimik ay mas lumalapit ka sakin
Iba ang ganda mula sa mata
Sa ngiti mo palang ay naakit mo na ko
Sa tuwing magkikita doon sa malayong
parte kung saan tayo lang dalawa
Ang magkasama kung san di ka nababahala
Tanging huni ng mga ibon na pinapalipad ni bathala
Ang naririnig natin sa tuwing inaantay nila kong magising
Kaso ayoko nanamang malayo sayo sana wag nila kong katukin
Kaya dito ka lang sakin
Sulitin natin ang gabi-gabing malalim
Samahan moko dito sa usok at hangin
Oras ay nakawin kahit na panandalian lang tong pag sasama natin
Kumusta kana? sa tingin ay ayos ka lang
Sa pagdilat sa pagtulog ay ikaw parin ang aking pupuntahan
Wala nang iba pang tutulad sayo
Ikaw parin ang ikot ng aking mundo
Kahit walang makatotohanang yugto
Ay alam naman na sayo lang ako
Ayokong nakikitang palayo ka sakin
Kahit di ko ramdam ang konretong pakiramdam sa tuwing ika'y yayakapin
Wala na sayong hahanapin
Imaheng pareho lang sa bahagharing
Nagpakita sa malakas na ulan pag katapos mong patilain
Kaya dito ka lang sakin
Sulitin natin ang gabi-gabing malalim
Samahan moko dito sa usok at hangin
Oras ay nakawin kahit na panandalian lang tong pag sasama natin
Dito ka lang sakin
Dito ka lang sakin
Dito ka lang sakin pagbigyan na maging akin
Dito ka lang sakin at handa ko nang hamakin
Ang sino pa mang haharang sakin pag sayo ay papalapit na
Dito sa tunay na mundo alam kong hindi ako sana balang araw mahalin pa
Di mo na sakin mararamdaman lumuha pag tapos masasaktan
Kung ano man ang pagkukulang sa iyo ng tadhana ay akin nang pupunuan
Kaya dito ka lang sakin
Sulitin natin ang gabi-gabing malalim
Samahan moko dito sa usok at hangin
Oras ay nakawin kahit na panandalian lang tong pag sasama natin
Dito ka lang sakin
Dito ka lang sakin
Dito ka lang sakin pagbigyan na maging akin
Dito ka lang sakin at handa ko nang hamakin ang