Colt Lyrics
"Hiraya"

4.5 / 5
4 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Masarap pagmasdan ang daan
Kahit tirik ang araw
Magaan ang pakiramdam
Pag ikaw ay aking tanaw

Di alanganin
Pag ibig hinain
Kahit pa buhangin ay bibilangin
Para lang dinggin mo aking panalingin
Handa kang haranahin
Kahit sumpungin pa

Kitang kita naman sa mga mata
Iyong tuwa
Hindi pa ba halatang sa damdamin ko'y
Nag iisa

Kaya
Ito'y wala ng hangganan
Dahil wala ng hihigit pa sa'yo
Ikaw lang ang siyang tanging
Nagpaparamdam
Na ang mundo'y di laging mapaglaro

Ito'y wala ng hangganan
Dahil wala ng hihigit pa sa'yo
Ikaw lang ang siyang tanging
Nagpaparamdam
Na ang mundo'y di laging mapaglaro

Di na mapagkaila
Tayong dalawa'y itinakda
Pinana ng tadhana
Kaya wag kang mabahala
Dati'y nagbibilang naghihintay
Ng mga tala sa langit
Upang magkaugnay

Ang mundo nating dalawa
Magmistulang iisa
Di na din kayang
Mawalay pa sa isa't isa

Kahit pabalik balik
Ako'y aawit awit
Pakinggan mo

Ito'y wala ng hangganan
Dahil wala ng hihigit pa sa'yo
Ikaw lang ang siyang tanging
Nagpaparamdam
Na ang mundo'y di laging mapaglaro

Ito'y wala ng hangganan
Dahil wala ng hihigit pa sa'yo
Ikaw lang ang siyang tanging
Nagpaparamdam
Na ang mundo'y di laging mapaglaro