Clien feat. ALLMO$T and L.A. Goon$ Lyrics
"Sana'y Mapasakin"

/ 5
0 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga'y balang-araw tulad mo'y mapasa'kin
Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Simple lang ako sagutin mo lang ako at araw-araw kitang liligawan iingatan kunan ng larawan
Umaraw man at umulan 'di kita iiwan 'di tulad ng iba diyan
Ang dami diyan nagpapaikot nagpapakipot may plano nga kayo pero 'di ka sinipot
Ako nama'y nandito lang hinding-hindi maglilikot lahat ng tanong ko ikaw ang sagot
Wala na 'kong balak pang magsayang ng oras (yeah)
Malay ko ba kung nandito pa 'ko bukas (uh-huh)
Kaya baka pwede tayong lumabas (god damn) yaan mo akong bahala sa mga ungas (ssh)
Kaya sana'y pag-isipan mong maigi at kung hindi tayo pwede laging mo na lang tandaan
Ako ay nandirito sa iyong tabi at ito ang aking paulit-ulit na sinasabi

Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga'y balang-araw tulad mo'y mapasa'kin
Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Pinapalangin ko na sana'y balang-araw mapasa'kin ang isang katulad mo
'Wag ka nang magpakipot ikaw lang talaga ang hinihiling ko
Matagal na kitang gusto makasama pwede bang ako na lang sana
Ipapangako ko lagi kang iingatan tuparin mo lang hiling ko araw-araw sasamahan ka
Kahit malayo pa papangitiin 'pag malungkot ka kasi ikaw ang nagbibigay ligaya
Sana nga'y dumating kasi kailangan kita pagod na kasi ako na mapag-isa

Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga'y balang-araw tulad mo'y mapasa'kin
Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Matagal ko nang pangarap makasama ka sa ulap tila nanaginip ng dilat ang mga talukap
Dila namilipit sa bigat at ganda ng hinaharap sisisirin ko ang lalim ng hiwaga
Makasama lang nag-iisang diwata tumingin sa 'yo ay 'di ko maiwasan
Papasukin mo at mundo ko'y handa ko nang iwanan