Bori's Room feat. Fer Cunanan and Yokin Lyrics
"Tiwala Sa Lamig"

4.3 / 5
3 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Oh, di ka na nagparamdam
Ayoko din namang masaktan
Sabi ng iba, hindi na
Dapat magtaka kapag nagpumilit ka
Oh, asan ka na
San papunta
Libangan na ang alak
Kahit wala nang balak
Nakatingin sa bituin
Nahihirapang sagutin
Ang mga tanong sa ating sarili
Kabado laging hindi mo mawari
Ipagpapalit lahat sa sandaling
Kasama ka sa kwartong madilim
Yakap, hawak, halik sayong bibig
Hindi ipapahamak, tiwala sa lamig
Ohh, nanaginip ka nang gising
Nanaginip ka nang gising
Dito ka lang, dito ka
Hindi ka na nagparamdam
Ayoko din namang masaktan, ohh
Binalot ng lungkot ang masagana ko na araw
Ang luntiang Paraiso ay bigla nalang pumanaw
Bahagharing nawala na dating nangingibabaw
Ang pasensya'y umiksi sana nga di nalang ninakaw
Ang kahapong sandali, baka pwedeng ibalik
O kay bilis naman umalat ng tamis ng yong halik
Kada "hi" nananabik, handang yumakap sa tinik
Mukhang hindi ko naiwasan ngang tamaan ng lintik
Lason nga kung tatawagin ang pagibig sa iba
Pero di to naging rason para parisan ko sila
Ako'y patuloy magmahal, naging palayaw ay tanga
Daig ko pa tinurukan ng gamot na pampakalma
Pero bawat pagkakataon ay merong panibagong
Mga ilaw na sisilaw sa dilim nga ng kahapon
Layon ko ay mas igihan pa sa darating na hamon
Kahit di ka na kasama sa muli ko ngangpagbangon
At marami ring Salamat, sa aral na iniwan
Dadalhin ko to hanggang sa akin ngang paglisan
Wala ka na ngayon, lagi naman nasa isipan
At palaging tandaan wala sa atin ang nagkulang
Kalmado lang ang isip, yeah
Hindi to panaginip, no
Pero parang totoo kapag ikaw ay nasisilayan
Gustong pakasalan kahit umabot pang himlayan
Kaliwa o kanan, kahit saan makarating
Ating pagmamahalan hindi na kayang langgamin
Kausap lang naman ako pag la kang magawa
Masakit man tanggapin pero hindi na masama
Ang saklap diba, naiiyak natatawa oh,
Ako'y titingala,
Sana'y makita pa kita yeah.
Yakap, hawak, halik sayong bibig
Hindi ipapahamak, tiwala sa lamig
Ohh, nanaginip ka nang gising
Nanaginip ka nang gising
Yakap, hawak, halik sayong bibig
Hindi ipapahamak, tiwala sa lamig
Ohh, nanaginip ka nang gising
Nanaginip ka nang gising
Yakap, hawak, halik sayong bibig
Hindi ipapahamak, tiwala sa lamig
Ohh, nanaginip ka nang gising
Nanaginip ka nang gising
Dito ka lang, dito ka
Hindi ka na nagparamdam
Ayoko din namang masaktan, ohh