Banda Ni Kleggy feat. Bentedos Lyrics
"Bathala"

5.0 / 5
1 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Madilim na paligid
Nangangapa sa gilid ng bangin
Hindi alam kung sa'n pupulutin
At kung anong mangyayari sa 'kin

Kahapon ako'y napagod
Sa mga bagay na gumugulo
Sa aking panaginip
Biglang may tumawag sa 'kin

Kausap ko si Bathala
Sabi niya siya ang bahala
Huwag daw mag-alinlangan
Siya daw ang kailangan

Malubak na kalsada
Ako lang ba ang dumadaan
Wala daw patutunguhan
Kung ako ay lilihis ng daan

Ako ay biglang nagising
Sa aking panaginip
Nakausap mo ba si Bathala
Sabi niya siya ang bahala

Kausap ko si Bathala
Sabi niya siya ang bahala
Huwag daw mag-alinlangan
Siya daw ang kailangan

Hinihigop lang ako ng higaan ko maghapon
Ayaw ko munang bumangon baka mas lalong umalon
Mag-iisip ng maghapon kung pano ko itatapon
Mga pasakit kahapon pano ko ba maaahon

Malapit na ang panahon panahon ng paghuhukom
Nag-iiba na nga ngayon wala pa rin bang direksyon
Ikaw ang aking koneksyon bahala ka Panginoon
Tapos na ang bagong taon magbabago na rin ngayon

Ilang taon nang nagkulang maaga ako nalulong
Sa tenga ko may nagbulong agad ako na nagtanong
Bakit ako umalulong hinihingal ng paurong
Dahil sa 'yo Panginoon patuloy lang hanggang ngayon

At masasabi sa sarili magtiwala lang palagi
Titibayan ang haligi para di nila madali
Talangka na nagsasabi na malabo't imposible
Patuloy na aatake may Bathala ka parati

Kausap ko si Bathala
Sabi niya siya ang bahala
Huwag daw mag-alinlangan
Siya daw ang kailangan

Mga sinulat kong paksa pahaging lang ng bahagya
Huwag ka sanang mabibigla kung sa bibig ko magmula
Sa aklat ay nakatala mula nong unang simula
Kung ikaw ay nakatakda baunin mo 'yon pagtanda

Ika nga ng matatada gumalang ka na may akda
Sikapin mo'ng maging handa sa panahong walang-wala
Durugin kang dapang-dapa sa langit ka tumingala
Pigilin mo na magwala wala ka d'yang mapapala

Palagi ka lang huminga laliman mo sabay buga
Alalahanin ang lahat kung pa'no ka nagsimula
Baunin mo laging dala mga pinapayo nila
At huwag ka na mag-alala parating na ang padala

Na-traffic lang ng bahagya 'yong hiniling mo sa Ama
At huwag na sanang sumama ang loob mo sa kanila
Kusa din 'yang mawawala manalangin ka sa kanya
Alalahanin ang buhay kung ga'no ka kahalaga

Kausap ko si Bathala
Sabi nya siya ang bahala