Alisson Shore Lyrics
"HOYA"

4.8 / 5
4 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
Isinulat ko lahat ng naganap para di malimot parang alamat
Nilapatan ng tinig at puso bawat kataga't
Ang pangalan mo ang aking gagawin na pamagat
'Kaw kahati ko sa fita katandem manood ng anime pelikula't korean drama
Ang kape mo sa umaga at tigatimpla 'pag wala na (gusto na kitang makita yeah)

Lahat gusto kong gawin sa'n man tayo dalhin ng hangin ay masaya
Kapag kasama ka (lahat ay kayang gawin basta't kasama ka)
Lahat ating tuparin sa'n man tayo abutin ng dilim ay maliwanag
'Pag kasama ka (lahat ay kayang gawin basta't kasama ka)

Lahat ng 'yong pasanin 'wag mo nang dalhin (nang mag-isa)
Ako ang 'yong baluti sa daluyong (iyong kasangga)
'Di naman lazada pero yung ngiting napadala aking iniipon para baon 'pag nagkita na

'Di na 'to mapakali laging nagmamadali
Tinabi ko na mga gawain para 'di mawaglit ang mga sandali
'Wag kang mag atubili ako'y sabik na sabik parang batang imik nang imik
Pwede na bang pumanhik makita ka kahit saglit (yeah yeah)

Buhay ba natin ay parang disney sobrang kulay parang Mickey't Minnie
Pero yung kilig iba palagi kay mama sinangguni at tumawag ka ng pari
Pagka't saki'y ikaw ang ilaw ng gabi (woah)
Sinusulit pagka't ang oras ay maikli (bakit ang bilis pag 'yong miss na miss you)

'Di na 'to mapakali laging nagmamadali palaging sinasabi
Gusto na kitang makita yeah yeah gusto na kitang makita yeah yeah