Musikatha Lyrics
"Handog"

4.4 / 5
676 reviewers
Do you like this song?
(click stars to rate)
save!
my lyricsbox
HANDOG by Musikatha

Verse 1:
Batid ko ngang kailanpaman
Di Ka nangailangan pagkat sa'Yo ang lahat
Hatid ko ma'y gintong lantay
Maging itong buhay ay di maaring magdagdag
Sa kaluwalhatian Mo
Gayunpaman ngayo'y hangad ang ialay sa'Yo

Chorus:
Ang pinakadalisay at pinakamahal
Ang pinakamahusay aking ilalaan
Buong puso't lakas at kaluluwa
Sa pinakamainam ay karapatdapat Ka
O tanggaping nawa'y malugod
Sa aking handog

Verse 2:
Sa tanging Diyos walang hanggan
Karapatdapat lang sukdulang hain na banal
Hangarin ko sa'Yo maging katanggap-tanggap
At magdulot ng galak
Sa puso Mo Panginoon
Pag-aapawin pagsamba
Sa Iyong trono