location:
G / Gary Valenciano / lyrics / Natutulog Ba Ang Diyos?
Bookmark and Share

Gary Valenciano lyrics - Natutulog Ba Ang Diyos?

album: Faces Of Love
album: Gary V. At The Movies (2003)
album: Heart And Soul (1988)
album: Soul Full (2005)
genre:

bakit kaya, bakit ka ba nag hihintay 
na himukin pa, pilitin ka ng tadhana 
alam mo na kung bakit ka nag kakaaganyan 
lumulutang, nasasayang ang buhay mo 
at ang ibinubulong ng iyong puso 
natutulog ba ang Diyos? 
natutulog ba? 

at ikaw ay, kaagad sumusuko 
konting hirap at munting pag subok lamang 
bakit ganyan, nasaan ang iyong tapang? 
naduduwag, nawawalan ng pag asa 
at iniisip na natutulog pa 
natutulog ba ang Diyos? 
natutulog ba? 

sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso 
tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas 
wag mo sanang akalain natutulog pa ang Diyos.. 
ang buhay mo ay mayroong halaga sa kanya.. 

dapat pa ba, na ikaw ay maghintay 
at himukin pa, pilitin pa ng tadhana 
gawin mo na, kung ano ang nararapat 
mag sikap ka at mag tiwala sa may kapal 
naka handa ang Diyos na umalalay sa iyo 
hinihintay ka lang kaibigan 

sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso 
tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas 
wag mo sanang akalain, natutulog pa ang Diyos.. 
ang buhay mo ay mayroong halaga, sa kanya..