location:
G / Gary Valenciano / lyrics / Lipad Ng Pangarap
Bookmark and Share

Gary Valenciano lyrics - Lipad Ng Pangarap


genre:

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo 
ang pangako ng walang hanggang bukas 
pabaon man sayo'y hapdi ng puso 
aabutin ang pangarap 

at ang bunga ng wagas mong pagsisikap 
pag-unlad nitong bayang nililiyag 
kapalit ng dalamhati't paghihirap 
pag angat ng kabuhayang marilag..
Chorus 1: 
liparin mo ang hangganan ng langit 
sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit 
ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi 
pangarap ng inang bayang tinatangi 

tutularan ka ng sunod na salin-lahi 
kapuri-puring pag-aalay ng lakas
napupugay sa makabagong bayani 
ang buong bansa'y nagpapasalamat 

Repeat Chorus 1: 

Ingatan mo ang lipad ng pangarap 
umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay 
na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal 
ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay... 
ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay...
iyong tagumpay...